Sa mga susunod na araw, hindi mo na ako kilala. Maaaring nagbago na ako o baka bipolar lang talaga ako.

Tinatamad ako.

Bakit?

.

.

.

Ang hirap pagsabayin ang pag-aaral sa iba’t ibang bagay na pinapangarap kong gawin at makamit at maangkin  sa mga panahong ito.

  • DOTA
  • BOYFRIEND
  • LAKWATSA
  • BLOG
  • BLOG
  • BLOG

Patay tayo dyan.

Ang hirap nga talagang maging estudyante lalo na sa kolehiyo.

Bwisit.

Third year na ako, at ang hirap na.

Presentation dito, quiz doon, meetings dito, exam doon, picture dito, paprint doon, drawing dito, publish doon.

Leche. Nakakasawa na. Pero pakiramdam ko mas responsable ako ngayon kaysa sa nakaraan kong buhay. HAHA! Sipag sipag ko na kaya!

Basa lang ng basa. Basa. BASA!

Pag hindi ka nagbasa, tiyak, babagsak ka.

Ganun ang buhay. Kung gusto mong may makamit, magtiis.

Kung gusto mong mamatay, TUMAMBAY!

Ayos ba?

Hindi ako mapapagod. Hinding hindi ako susuko. Isang taon na lang oh, ayan na si Diploma! Abot kamay na.

Paglaki ko, magiging sikat akong manunulat ng mga kanta.

Pag-graduate ko, babayaran ko si Mama.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Advertisements