Bakit nga ba kita minahal? Kung babalik ako sa araw kung kailan kita nakilala.. sa palagay ko.. eto ung mga naging dahilan.

  • Naghahanap ako ng boylet para maka-move on. Si Puti kasi.. may girlfriend pala. Kaya sa sobrang sakit ay kinailangan ko ng taong magpapadali sa paghilom ng nagdurugo kong puso. Un ay sa aking paniniwala nung mga panahon na iyon. Pucha ang drama ko.
  • Ikaw ang ibinigay ni bespren na katextmate sa akin. Kasi FAIL lahat ng mga nakilala ko. As in FAIL.
  • Na-love at first text ako sa’yo.
  • Ikaw lang ung sumagot sa autograph book ko via phone call. Astig lang e. Guys, don’t judge me. I collect autograph books and let the people I love scribble on ’em. LOL. Ano daw?!
  • Nung gabing magkausap tayo, punong puno ung dugo ko ng GVs.
  • Ang gwapo lang ng boses mo. Kahinaan ko un, tol.
  • Pakiramdam ko ang dami nating common interests, tapos hindi tayo nauubusan ng mga paguusapan kaya siguro hanggang 2am e magkausap tayo. Yes, I remember everything that you’ve said. :>
  • Marunong ka mag-dota! Pucha may kalaban na ulit sa wakas!
  • Sabi ni bespren mahilig ka din sa mga foodtrip.
  • Ang landi mo lang. Palagi mo akong nilalandi.
  • Matangkad ka. Kahinaan ulit.
  • Malapit lang ung school mo sa school ko. Kaya feeling ko palagi tayong magkikita.
  • May spark nung nahawakan mo ung kamay ko nung tinuturuan mo ko kung anong dapat na build kay Razor. Hello, ikaw na magaling! Kahit na ayaw mo magpatalo, crush pa din kita nun. DUH.
  • Palagi mo akong kinukulit na sabihan ka din ng I LOVE YOU TOO.. kasi sabi ka ng sabi ng I LOVE YOU nung mga panahon na yun.
  • Hindi ka mahirap mahalin. Alam mo yan.
Hindi ko na sasabihin ung iba. Basta.. ayan.
Pero simula nung napanuod kitang maglaro ng basketball nung Tuesday.. nagbago lahat. Hindi ko alam. Pero eto ung mga dahilan ko.
  • Ang gaslaw mo kumilos
  • Hindi ka pala ganun katangkad
  • Ang ilap mo masyado sa akin. Hindi mo ba ako namiss? Un ung pangatlong beses na nagkita tayo. Hindi mo lang ba ako kakausapin ng matino?
  • Mainitin ang ulo mo. Hindi ko kayang sabayan yan.
  • Hindi mo man lang ako malapitan.
  • Hindi ikaw ung nakakausap ko sa cellphone. Mapatawag man o text, hindi ikaw un. Kasi ibang-iba ka sa personal. :|
  • Iba ung ikaw sa personal sa ikaw na nasa isip ko….
  • Masyado siguro akong nagimbento ng mga bagay-bagay na nagawa natin kung palagi tayong magkasama.. kaya ako nasaktan. Feeling ko ang perfect natin. Hindi pala sa totoong buhay.
  • It’s not you, it’s me.
  • Naisip ko na hindi talaga tayo magwowork.
Hindi ko alam kung bakit nawawala na.. nawawala na lahat ng naipundar kong pagmamahal sayo. Sa isang iglap, nawala lahat sa muli nating pagkikita.
Siguro totoo nga.. mas minahal ko ang IKAW sa utak ko. Hindi ko kayang mahalin ang IKAW sa mundong ginagalawan mo. Patawad.. at salamat.
Pero umaasa pa rin ako na mababago mo ang tingin ko sayo ngayon. HAHA! Crush pa din kita, kasi nga palagi mo kong pinapasaya nung mga araw na inlove na inlove ka pa sa akin.   
:)
Advertisements