So ayun.. nanuod kami ng basketball kanina sa Maligaya (malapit sa SM Fairview)

Altar Servers VS Hacci

Sinong panalo? Syempre ang Altar Servers (nanuod kasi ako e HAHA).

Wala namang kwenta ung mga team. I mean, walang kwenta na hindi naman talaga sila ung pinunta ko dun. Si Frank. Sya lang ung pinunta ko.

Ang unang plano namin ni Grace ay hindi muna ako magpapakita sa kanya *kasi nga ang alam nya e nasa Bicol na ko.

E sa sobrang ngarag ko kanina, wala, napasilip ako sa sobrang pagkaexcite. Pucha, sira agad ung plan A.

So ayun.. nakita na agad ako ni Frank. Nakangiti.

Napatago ako saglit. Tapos sumilip ulit. At sa pagsilip ko na yun, nakapagtago na din sya. Bakit sya nagtago? Ewan ko. Hindi ko alam.

Kaya ayun, pumunta na kami malapit sa court. Hindi pa nagsisimula ung laro. Kaya tumayo kami saglit at hinanap si Angela (kapatid ni Grace). Wala pa din si Angela. Baliw talaga un, sabi nya kanina 4th quarter na kaya sobrang nagmadali talaga kami. :|

Edi nakatayo na malapit sa court. Syempre, malapit din dun si Frank. Andun sya sa gilid, kung saan braso, kamay, hita, tagiliran at kalahati ng mukha lang ang aking nakikita. Badtrip, hindi ko magawang lumapit. Saka ko lang napagtanto na mahina ako pagdating sa mga lalake. Mahinang mahina. LOSER.

Edi mungago lang kaming dalawa. Nag-iiwasan. Pucha. Maling mali lang talaga. Kunwari gumulong ung bola sa harap ko para lang makalapit ng konti sa akin. Tapos ayun, hindi ko na nakayanan ung mga pagpaparamdam nya sa akin.. Napagpasyahan kong lumabas muna bago magsimula ung laro at hintayin muna si Angela.

Ang dami naming napagusapan ni Grace. Ung tungkol sa bagong gusto ni Frank, ung mga lalakeng pwede naming maging ka-on, ung mga lalakeng hindi namin type pero umaaligid pa din, ung mga ipapakilala namin sa isa’t isa.. pero panalo pa din ung kwento tungkol kay Frank.. kung gaano ko sya kamahal.. kung gaano ko sya pilit na inaayawan sa pagtingin sa mga bagay na mali sa kanya at ung mga bagay na wala sya. Na hindi din kami magwowork.. kasi nga hindi sya ung tipo ng lalake na naghahabol, ung tipo ng lalake na sumusuyo.. sya ung tipo ng lalake na nagpaaasa, at ung magaling magkunwari.. POKER FACE ba.

Maya maya pa ay dumating na si Angela.. pumasok agad kami, at nagsisimula na ung laro. Ang awkward ng dating.. kaya ayun, parang waley lang. Nakaupo lang kami dun, sa gilid, nanunuod. Tapos nung nakita ako ni Frank, nagpa-sub agad. Adik. Paano ko sya makikitang maglaro? Mukhang baliw.

Oo nga pala, ung napatingin ulit sa akin si Frank, sinimangutan ko, tapos ngumiti lang. Mungago lang talaga. Pero ayos na siguro yun, at least napansin ako. LOL

1st qtr – 3rd qtr.. LAMANG UNG KALABAN! Grabe, mungtanga lang, highblood na si Frank at ung iba pang ka-team nya. Pati ung pumipito ngarag na din e. Napapanis na ung pito saa bibig. HAHA! Lamang ng 11 points. Syet. Tili kami ng tili (kaming dalawa lang ni Grace) sa sobrang kaba na baka matalo sila. Hindi ako makakapayag kasi sabi ko sa kanya na mananalo sila kung sakali mang panuorin ko ung laban nila. Chos! At ayun, nung 4th qtr hot na hot na si Frank. Drive kung drive e! Lakas! :) Masaya naman ako kasi kahit papanu hindi na sya naiilang na nanunuod ako.

Ayun, plus pa ung may minus ung Hacci. 2 pts kasi hindi nila sinunod ung line-up na pinasa nila. Pero bawi naman nila agad un. Pero panalo pa rin ung Altar Servers. Hot na hot lang talaga e.

Oo nga pala! Pinapicturan ko kay Angela ung mga naglalaro kanina. HAHA wait, eto ung mga pictures :>

Haha! Waley lang. Nasa Facebook ung mga pictures na madami. Sample lang yan :>

So ayun, tapos na ung game. Alisan na din lahat. Sakto, nauuna ako, tapos nasa likod ko si Grace, nasa likod nya si Frank. Dedma lang, ayaw naman nya ko kausapin. Okay lang. Hindi din naman kami magwowork e.

Tapos ayun..

“Sabi mo aalis ka na..?”

“Ha?”

“Sus!”

Tapos tumawa na lang ako. Ang labo ng usapan namin ha. At TAKE NOTE! Habang naguusap kami nyan, naglalakad sya palayo.. palayo ng palayo.. papunta sa mga ka-team nya, na nadaanan din namin

“Uy, ayan na ung mga fans natin oh”

Sabi yan ng isa nyang ka-team. WTF. Si Frank lang ung idol ko nu. LOL. Joke, di ko din sya idol. Minahal ko lang sya. Un lang.

~End

NGARAG DAY!

P.S.

ALAM NYO KUNG ANO UNG MASAKIT? UNG FEELING NA AKALA MO HAHABULIN KA NYA PAG PAALIS KA NA, TAPOS SASABIHING MAGSAMA PA KAYO AT MAGUSAP KAHIT NA ISANG ORAS LANG. TENGENE. UN UNG INAABANGAN KO KANINA E.. NA SANA HINABOL NYA AKO.. KASI HINDI KO NAMAN SYA INIWAN DAHIL HINDI KO SYA MAHAL.. FEELING KO KASI PANIRA AKO. PANIRA SA FUTURE RELATIONSHIP NILA NG NATITIPUHAN NYANG BABAE. :|

SIGE NA. AKO NA LANG ULIT, PLEASE?! – Basha

Advertisements