Mga kataga

,

Eto ang love story namin..

Ako si *Denise, nagkakilala kami ni **Haji noong ika-siyam ng Oktubre 2010. Desperada kasi akong magkaroon ng nobyo noon, kaya kinulit ko ung isa kong kaklase para bigyan ako ng textmate. Ayun, ibinigay naman nya ung numero ng kaklase nya dati. Pero syempre hindi ko agad tinext un. Sinabi ko sa kaklase ko na sabihin dun na itext ako. Kaya naghintay ako.. ABA! ANG BILIS KO MATANGGAP UNG TEXT! Haha. Yehey! Ang saya ko nung gabi na un.. May bago na naman akong kakilala.. na maaari kong mahalin (?).

Noong gabing iyon, ang lahat ay  parang nakatakda ng mangyari.. usapang nagsimula ng alas-diyes ng gabi ay natapos na ng alas-dos  madaling araw. At hindi lang iyon, pinasulat pinasagot ko sya sa aking autograph, syempre ako ung nagsusulat at tinatanong ko lang ung mga dapat nyang sagutan sa autograph book ko. Astig nga e, ang dami palang bagay na pareho naming gusto. :) Kinabukasan nagpaparamdam na ako na may gusto ako sa kanya, pero syempre hindi nya pa halata, love at first sight kumbaga. (sa text nga lang). Tinawag ko pa nga syang FUTURE KO. Ang feelingera ko ano?

October 11, 2010

– Nagkita kami. NagDOTA. Ang pusta pa nga namin nun kung sinong matalo manlilibre ng pagkain. (na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nailibre kasi nga ako ung talo) Grabe kaya ung spark nung nahawakan nya ung kamay ko kasi tuturuan nya ako kung paano ba talaga ung tamang buo ng gamit sa hero ko. Hahawakan nya kasi dapat ung mouse, e syempre hawak ko, kaya bigla kong inalis ung kamay ko pagkatapos ng spark. Kasama ko pa ung blockmate ko nun. HAHA. Wala lang, kinikilig lang ako.

October 15 ,2010

– Huling text ni Haji. Hindi ko alam kung ano ung huli nyang sinabi. Nabura ko na.

October 16, 2010

– Huling usap namin sa selpon. Superunli kasi ako nun kaya ako ung tumawag. Hindi ko na din maalala kung ano pinagusapan namin. Basta ang alam ko, un ung huli naming paguusap.

October 22, 2010

– May load na ulit si Haji. Ang kulit nga ng usapan namin e. Sabi ko pala sa kanya na rarapin ko sya pag hindi sya nagtext bukas kasi sabi nya may gagawin daw sya na madami.

October 23, 2010

– Hindi nagtext si Haji kasi gusto talagang magpa-rape. Ang galing lang talaga ng lalake na un e.

November 5, 2010

– Ngayon lang ulit nagtext si Haji. Hindi ko alam kung bakit. Nakalimutan ko na..

*****Nanliligaw na sya sa akiiiiiiin!

November 10, 2010

– Dapat sabay kami umuwi, e dahil nga sa napakalupit na schedule namin e hindi kami nagkasabay. At saka maarte kaya un!

November 11, 2010

– Dapat sabay na naman kami. Kaso may meeting sila sa school. Hmp, epal lang.

November 26, 2010

– Huling text ni Haji sa buwan na iyon. Ayan na naman, nakakasawa na. Parang ako na ung nanliligaw ah…

Ang saya lang ng mga araw na un, ung mga ibang araw,  ung mga unang linggo.. Kaso noong Disyembre e nawala sya. Walang paramdam kahit isang araw. Kahit sa pasko.. kahit sa bagong taon. Yun pala nawala ung selpon nya. Badtrip. Kaya pala..

Pebrero, Marso, Abril.. Mga buwan na masasaya. Sinagot ko na sya noong Marso 14, 2011. Kaso hindi sya naniwala.. kaya akala nya hindi pa din kami. Okay lang. Hinihintay ko ung bati nya dahil nga 1st Monthsary namin nung Abril 14, 2011. WALA. WALA. 

Kaya pinaligaw ko ulit sya.. hanggang sa ayoko na syang sagutin.

Abril 20, at ang mga araw na sumunod, tila bula kaming naglaho sa isa’t isa. Wala na, dahil ba hindi kami nagkikita? Dahil ba hindi ako pumayag na pagbigyan sya sa gusto nyo? O sinasapian lang sya nung sinasabi nya sa akin ung mga katagang iyon? Sabi ko after college na e. Bahala sya kung hindi sya makapaghintay. Bahala na. Maarte sya. Basta alam ko, sa mga susunod na buwan na hindi ko sya makikita, malabo nang maging maayos lahat. Malabo na. Wag na lang.. baka pag kami na, mas masakit. Mas masakit lalo..

Advertisements