Nasobrahan lang.. Kaya ngayon balik kami sa dati.. Simula ulit.. Anim na buwan pa..

Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan ganito? Kailan ba tayo matututo? Kailan ba magiging sakto lang? Kailangan bang sakto lang? Bakit hindi mo na lang paapawin? Nasasayangan ka ba sa sobra? O baka nakukulangan ka lang? Kulang pa ba? Mahal mo ako diba?  Minamahal mo nga ba talaga ako?…

Ang daming katanungan sa isip ko ngayong araw na to.. simula pa kahapon ay medyo aligaga na ako. One month na kasi kami. One month na pala akong feelingera. Kasi naman alam ko sinagot ko na sya. Pero hindi nya talaga alam na kami na kasi feeling nya na joke lang un. Mukha ba talaga akong joke? Hindi naman ako mahilig magjoke sa mga bagay na ganun. Seryoso kaya ako. Seryosong seryoso! Sa isang buwan na ‘yun ang dami kong natutunan. Ang dami ko ding pagkakamali.

Mga natutunan:

  • Kahit gaano kayo kalayo sa isa’t isa, wag magreklamo, magkakasama din kayo.
  • Wag magsungit ng sobra dahil ikaw din ang susuyo sa kanya sa huli.
  • Ang taong adik sa dota, sa date walang pera.
  • Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, isusuko mo din sya sa oras na maramdaman mong ayaw na nya.
  • Wag agad susuko!
  • Wag palaging maniniwala sa mga sinasabi nya sayo. Palusot lang ung iba, ung iba narinig nya lang, ung iba napulot lang, ung iba nareceive nya lang sa mga GM nung araw na un, ung iba para lang maisip mo na mahal ka nya talaga.
Mga pagkakamali:
  • Naniwala sa katagang “LOVE IS BLIND”
  • Nangulit ng masyado kaya feeling nya e baliw na baliw ako sa kanya kahit hindi naman talaga kaya parang nababawasan na ung feelings nya para sa akin kahit nasa stage pa lang kami na hindi stable.
  • Nagmahal sa taong hindi naman FAN ng pag-ibig.
  • Nagmahal ng SOBRAA.
  • Hindi ako masyadong nagtunog seryoso kaya akala nya joke lang na sinasagot ko na sya.
  • Lumalabas na ako ung nanligaw sa sobrang pangungulit ako. araw. gabi. araw. gabi.
May gusto sana akong sabihin sa kanya e. At ganito ung gusto kong kalabasan nun..
Ako: Ui, hilahin mo naman ako oh..
Sya: bakit ka naman nagpapahila?
Ako: Nahuhulog na kasi ako sa iba e..
Ayun oh! Sana nga nahuhulog na lang ako sa iba e. Haha Chos. Take note: May isa akong manliligaw ngayon.. kaso, walang spark. Pero may kilig. Ang galing nga magpakilig e. Dinadaig si *ung taong tinutukoy ko dito na masyado ng obvious para hindi ko pa sya banggitin dito e kilala nyo na HAHA* sa mga banat at mga hirit. Pero wala e, alam ko kaya kong mahalin un.. pero tama nga ang sabi ni *ung taong tinutukoy ko* na siguro kung hindi ko sya nakilala e kayang kaya kong mahalin un. Pero nauna sya e, bwisit sya! Sana pala hindi na lang sya nagpakilala, o kaya umamin na gusto nya ako, o kaya nangulit na manligaw, o kaya e inakit ako!
May isisingit lang ako..
HINDI TANGA ANG TAONG SOBRANG MAGMAHAL.. MAS TANGA ANG TAONG MINAHAL NA NGA NG SOBRA>> NAKUHA PANG MAGHANAP NG IBA. 
HAHA Alam ko hindi naman naghahanap ung taong tinutukoy ko dito.. pero baka kasi posible e.. basta.
Hoy ikaw! Gusto kita! At mahal na din! Pero titigil muna ako sa pangungulit na magkita na tayo at magkasama araw-araw para ikaw naman ang mangulit! At para maisip mo na mahalaga din ako sa buhay mo! HAHA kaya manligaw ka ulit!!!! Ayusin mo!!!
Advertisements