Kanina may bumili sa tindahan namin ng madaming madaming kendi. Chocquik bar, Pintura, Yakee, at Ube (ung kasi ung tawag sa pastillas na dalawang kulay; puti at ube). Tapos nung kumuha na ko ng Yakee sa garapon, ABA! Dalawa ung laman ng isang balot! E syempre, mautak tayo.. hindi un ung binigay ko sa bumibili. Jejejejeje Ano sya, sinuswerte?! Kaya ayun, kinain ko. Sa halagang piso, dalawang Yakee agad ang nakain nanguya ko! Minsan lang ako makahanap ng ganun. Astig lang talaga at ako ung nagbabantay sa tindahan namin nung bumili ung lalake na yun. Swerte ko mga tsong!!! WOOOOOHOOOOO!!

 

Ang pag-ibig o ang taong minamahal (sabay pasok e ano hahahaha) ay parang Yakee na dalawa ang laman, o kahit na anong pang kendi  sa mundo. Minsan mo lang makita o ma-jackpotan.. depende na lang kung palagi kang naghahanap. E kung ganun, wala ng thrill. Wala ng satisfaction, o mauumay ka agad. Iba kasi ung nagugulat ka, o hindi mo alam na nasa kamay mo na ung kending dalawa ung laman, o ung mas malaki kaysa sa orihinal nitong hugis. Ang saya kaya pagnahanap mo un.. kasi alam mong nanamnamin mo hanggang sa huling kagat, o sa huling lunok. (ANO DAW?!)

Parang pagkakataon lang din yan sa buhay e. Minsan ka lang makakahanap ng tamang panahon, ng tamang pagkakataon. Kaya pag andyan na, wag ng mahiya, sunggaban mo na! Minsan ka lang mabubuhay, kung mapapahiya ka man sa gagawin mo, o masasaktan, hindi mo naman un maiisip pagmamamatay ka na.. ung maiisip mo, ung mga bagay na hindi mo pa nagawa. Tama? TAMA! AMEN!

 

 

Alam kong lahat tayo ay may mahahanap na kending dalawa ang laman sa balot nito.. pero depende sa tindera/tindero na bibilan nyo. E kung katulad ko, malas mo, kasi hindi un ibibigay ko HAHAHAHAHA Parang ako lang ung kontrabida kumbaga. HAHAHAHAHA

Advertisements