“In the Philippines, it’s not that fashion forward so when I post pictures, I get a lot of attention.”

Tricia Gosingtian

Now what?

Ang daming umaaway ngayon kay Ms. Tricia Gosingtian dahil nga sa sinabi nya sa isang event (tama ba? hahahaha chos) NY Fall 2011 Fashion Week.

Para sa akin naman, ang daming nagmamalinis na mga tao, lalo na ang mga artista at ang mga sikat na tao. *ang dami ko pang sinabi haha. Bakit ngayon naman ay nagiging maka-bayan kayo? Oh come on! Sige nga, kung kayo sya, hindi din ba ganun gagawin nyo? O baka naman maging hindi totoo *chos

Halimbawa:

“Well, in the Philippines, all of us are into fashion. You know? We express ourselves by the way we dress. We Filipinos are one of the best when it comes to fashion..”

– wow pucha, PANALO! Sana ako na lang ung andun diba HAHAHAHA

Pero kung medyo katulad ka din ni Ms. Gosingtian, oh eto

“In the Philippines, people are not that FASHION FORWARD. Only few are chosen to have that sense of style..”

– ay parang ang bobo ng english HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

 

 

 

May bad side at good side..

REFER TO THIS:

MARAMI ANG NAGAGALIT!

Hello Twitter! Pasok!

So ayan, nagpapasalamat ako sa mga nagtweet :)) Credits to you (para akong retarded)

Ayan ang bad side. Nakoo, kayo talaga. Let’s just face it, hindi naman talaga ganun kagaling ang lahat ng pinoy pagdating sa fashion. Sa boxing pwede pa HAHAHAHAHA

Refer to this:

(ang mga ito ay nakita ko lamang sa Tumblr)

Ang mga kasama sa 100 pinoy fashionistas (tama ba? itama nyo na lang ako kung mali man)

 

Hindi naman sa inaapi ko ang mga taong andito, pero harapin na natin ang katotohanan. Hindi sa lahat ng bagay ay maipagyayabang natin ang ating mga kapwa Pinoy. Oo, astig tayo, pero medyo medyo napagiwanan tayo sa elementong ito (pero hindi ako ganyan manamit)

Sana naman walang magalit sa akin HAHAHAHA Pati sana tigilan na ang mga issue tungkol kay Ms. Gosingtian. Ang magandang parte lang naman ng issue na to e nagiging totoo lang naman sya sa kanyang sarili. Totoo naman talaga na boxing lang ang no.1 sa atin. At siguro ung soccer (dahil sa Azkals) wooot!

Pilipinas, alam kong kaya natin umangat :) TARA! GORABELS!!!! :D

WALA NA AKONG MASABI! HAHA Hindi ko alam kung may saysay ung mga sinabi ko HAHAHAHAHA

Advertisements