Hindi dahil sa yan ang title e ayan na agad ang topic.

Halo-halo kasi ung kwento ko sa entry kong eto kaya ayun, tinamad na din ako mag-isip. Ngayon lang ulit ako sinipag magkwento kasi nga gabi na at hindi pa din ako inaantok. Malapit na mag-alas tres ng umaga. Tinulugan kasi ako ni pag-ibig.

Tungkol muna sa eskwela ang ikekwento ko. Hello! 1.77 ang GWA ko! Balik normal na naman HAHA grabe talaga, salamat na lang at nakakahawa talaga ung mga kaibigan ko nitong semester na to. Astig lang talaga e! Hatakan :D Lahat kami nakakuha ng matataas ng grade. Halod lahat nga scholar na sa grupo! Mga sa 3rd year na ko babawi. HAHA Ay nakoo, bigla kong naisip ung COMMUNITY SERVICE ko. Take note, 58 hours un ah! 58 HOURS. Ang haba naman. Pero nabawasan un dahil nga nagpapirma ako ng petition. NO TO MINING! Mabait akong bata kaya medyo sinipag, at naging 42 HOURS na lang ang community service ko :) YEHEY!

Bale pag sinipag akong bumalik balik sa school, 10 super long days lang e tapos ko na un. 10 DAYS! Nasa Bicol na sana ako nun :| Pero hindi din siguro ako makakapagbakasyon agad sa probinsya namin kasi nga.. ang daming pupuntahan na DEBUT. HAPPY 18th BIRTHDAY FRIENDS! 18 na din kaya ako sa May 3, kaso nasa Bicol na ko nun. Sorry HAHAHAHAHA

April 24 – Angono, Rizal – 6pm – *kasama sa 18th candles – SONGER

Ayan ang mga importanteng salita sa debut ni Jacel B. Grabe lang talaga, sana payagan ako magovernight. Kasi swimming din e. HINDI KO BALAK MAG-TUFEYS! HAHAHAHAHA Hindi pa ako sexy kaya takip takip muna sa mga unwanted fats. SHIT.

Susulat pala ako ng kanta para kay Jacel. Ayun, para sa debut lang ni Mommy(Marie). Grabe lang talaga kasi ung 2nd verse e impromptu lang talaga kasi hindi ko pa talaga tapos ung kanta nung mga oras na un. Sana talaga sipagin akong magsulat ng kanta. PLEASE LORD! HELP!

May 1 – Lounge Bar, Timog – 6pm – *kasama ata sa 18 candles? – SONGER (ulit)

Eto ang malupet e, debut ni Shikara “Kaia” R. Malupet talaga kasi KATY PERRY ang theme ni friendship! At balak pa akong opening song chorva number! Ay grabe, ikamamatay ko. Kaya pang-aliw na lang ako sa mga bisita habang sila ay kumakain. O diba, walang singil singil yan, libre ang pinaggagawa ko HAHAHA Puro kakantahin ko ay syempre, Katy Perry songs. Bongga lang talaga, susulat din ako ng kanta. Pero medyo tapos ko na e kasi last year ko pa sinusulat at hindi ko matapos kasi nga tinatamad ako palagi pag naiisip ko si Kaia. CHOS! Joke lang hahahahaha

Ay salamat at sila lang dalawa ang magdedebut ngayon bakasyon kasi mukhang mamumulot na ako ng bakal at bote kasi mauubos pera ko HAHAHAHA Nais ko nga sanang magsummer job?

SUMMER JOB!

Naikwento sa akin ni Love (hindi ko close na blockmate pero naging parang close kami nung kinausap nya ako nung nagkita kami sa Freedom Park sa school nung sinamahan kong mag-exam si utol. Entrance exam haha) na nag-apply daw sila sa call center chorva, at natanggap silang dalawa ni isa pang blockmate. OMG! Kaso tinatamad akong mag-apply, dahil din kay ina kasi sabi nya na baka tamarin na akong mag-aral pag naranasan ko ng kumita ng pera, na parang medyo makatotohanan kaya sinunod ko na lang si ina. HAHAHAHA

Oo nga pala, ung sa exam ng kapatid ko, putek, PASADO! Tangama lang talaga, scholar pa si mokong. Ako kaya? Kelan ko matitikman ang scholarship na iyan ha?! HAHAHAHA Okay lang, atleast hindi boring ang buhay ko :>

LOVE LIFE NAMAN! Pucha kanina pa nangangati ung mga daliri ko para magtype tungkol dyan e. HAHAHAHAHA As usual, si Frank ulit. :)

Kagabi naiyak ako sa mga sinasabi nya e, mukhang pinageselos talaga ako nitong gago na to e. (Na totoo nga kasi tinanong ko sya kanina tungkol dun) Sabi nya kasi na pupunta daw sila ng pinsan nya sa Bora kasama ng madaming chicks. Tangina naman dre, kailangan pa bang sabihin sa akin un? At tanungin kung okay lang at kung magagalit ba ako?! Malamang hindi lang sampal aabutin mo HAHAHA Ayun, sabi ko okay lang sa akin.. na hindi ako nagseselos, kahit na naiiyak na talaga ako hanggang sa naiyak na talaga. HAHAHAHA Kaya binabaan ko. Tapos natulog na ko, birthday din pala ni crush-kapitbahay, kaya medyo tuluyan na kong nabadtrip kay pag-ibig. Nako lang talaga, tapos sabi ko sa kanya kanina na sana graduate na kami para palagi na kaming magbobonding. Sabi nya maghintay lang kami (ako ata talaga nagsabi nito HAHAHAHAHA) Basta, sabi ko mabilis lang naman ung panahon at ung taon. Nakooo, naeexcite na ko grumaduate!!!!!! :D

GRADUATION NA NI UTOL SA APRIL 12!

At ako ung photographer. Pangarap ko din maging photographer! Nakoo, at mag-edit ng mga napikturan ko. Promise talaga pagnaka-DSLR na ako, magtatayo na ko ng studio. HAHAHAHAHAHAHA Chos. Pero pangako, tutuparin ko lahat ng pangarap ko! *ang drama

WAKAS

Advertisements