*Paki-play muna yan bago basahin para naman enjoy diba! HAHA

———-

March na pala. Tangama, nakaka isang taon mahigit na kaming magkakilala ni Puti (di nya totoong pangalan). Mahigit isang taon na din ang nakalipas mula nang gaguhin nya ako. Tandang tanda ko pa ung mga ginawa nyang pananakit nya sa akin (damdamin) pero hindi ko na talaga sigurado kung anong date o araw un nangyari. Basta, ang alam ko lang, umiyak ako. Umaga. Gabi. Umaga. Gabi. Pukangama. Pagod na pagod ung mata ko nun! Bet na bet!

Pero hindi tungkol doon ung hinanaing ko ngayon sa buhay. NAIINGGIT AKO!

Kanino?! Sa mga may maaayos na relasyon ngayong taon. Ung mga may jowa na nakakaoffend sa aking mga mata. Bakit naman kasi kailangan na iwagayway sa pagmumukha ko ung mga kamay nyong mahigpit na magkahawak?! Tapos ung mga default picture sa FB na kunwari nakatattoo ung pangalan ni boylet sa braso. E puta, ipatattoo mo na lang kaya sa mukha mo para kitang kita? (BITTER)

Oo nga pala, speaking of bitterness, napanuod ko ung B(i)etter pero kalahati lang. FEU Theater Guild play yun nung February. Grabe, Hanggang Bacolod dinayo nila kasi ang dami talagang gusto manuod nun! IMBA LANG TALAGA! Bravo!

O di ayun nga.. naiinggit ako kasi hindi katulad ng ibang lalake ung manliligaw ko ngayon na balak kong sagutin ngayong buwan na ito. Pero parang ayoko na lang sagutin kasi ang gulo. Parang ako pa ung nanliligaw. Ako ung unang nagtetext. Ako ung nagaaya lumabas. Ako ung dapat manlibre. Kasi nga wala daw syang pera. Pero sabihin nyo nga sa akin.. ganun di ba kayong mga lalake sa nililigawan nyo? O ako lang talaga ung babaeng nililigawan na hindi mahirap ligawan? Hindi ko na nga masyadong pinapansin ung lalakeng un pero namimiss ko lang talaga sya. TANGINA MO FRANK LESTER!

O ayan, alam na HAHAHAHA

Kasi naman, bat kailangan pang ganito?

Ganito lang naman ang gusto kong mangyari sa amin:

  • Ilibre naman nya ako kahit pangDOTA namin o kwek kwek man lang
  • Magfoodtrip
  • Sabay umuwi
  • Magpareho ng schedule next semester
  • Magbonding ng madalas (hindi ung puro THURSDAY lang na minsan hindi pa natutuloy *madalas)

HINDI NAMAN AKO MAARTE! Gusto ko lang naman maranasan ung makatanggap ng bulaklak, ng love letter, ng teddy bear, ng yakap, ung mayakap ba.. ung masurprise, ung kiligin ng wala sa plano. Ang dami kong gustong maranasan. ANG DAMI DAMI.

Syempre, bilang isang babae, gusto ko talaga mangyari sa buhay ko un. Kahit minsan hindi ko pa naranasan ang mga nabanggit ko. :| Bakit kasi ganito?! Palagi na lang ako ung may pera kaysa sa manliligaw ko (except nung sa unang boyfriend ko kasi nga apo un ng congressman kaya aun..)

Tinatamad na tuloy ako magmahal ulit. Nagsawa na agad ako sa manliligaw ko na sa sobrang pagpapalipad hangin nya e nawala na din ung nararamdaman ko kasi sumama na sa hangin. Sayang, sana magustuhan ko ulit sya. Mahal ko naman un, masyado lang sigurong busy sa buhay. Sana hindi nya muna ako niligawan para walang umaasa sa amin. Sana talaga hindi ko muna inalis ung kondisyon (na dapat ligawan nya muna ung nanay ko bago ako) para hindi muna sya nanliligaw ngayon. HAHA

Sabi nga ng mga kaibigan ko na sagutin ko na.. E anong isasagot ko? HINDI?

Naiinggit ako kay Puti at sa GF nyang paniki.

MAGBBREAK DIN KAYO! ULUL!!

Advertisements