Grabe, pinakinggan ko ngayon ang mga komposisyon nila Gary Granada, Noel Cabangon, Jimmy Bondoc, at Johnoy Danao! At wala akong masabi. Natamaan nila ang tamang timpla na bagay na bagay sa ating mga taga-Pilipinas! :D

Kung baga sa kape, babalik balikan mo at sisimutin hanggang sa wala na ung natitirang isang patak. Alam nating lahat na matagal ng namatay ang musika ng mga Pilipino dahil sa  mga awitin ng mga taga ibang bansa. Pero hindi ko itatanggi na tumatangkilik ako sa mga musika na iyon, pero ang totoo e mas gusto ko na ang OPM! Grabe lang talaga ung tama sa akin ng mga awitin na naririnig ko sa mga beteranong manunulat! Nais ko sanang makasulat ng mga awiting makakabighani sa mga kabataan at maging sa lahat na ng tao na makinig na ng mas madalas sa OPM at malay ko, mahikayat ko din silang sumulat ng mga kantang makakapagbago sa nakakarami.

Eto, nais kong ipanuod at ipakinig  sa inyo ang awting inawit at isinulat ni Johnoy Danao

Advertisements