Kahapon nakatulog ako mga bandang 6pm. Ang aga. Napagod ako masyado. Basta, hindi ko na lang sasabihin kung bakit. Nag basketball lang naman kami tapos pumunta ako ng SM North kasama si Grace. HAHAHAHA

Sakto! 10pm nagising ako. Malakas kasi masyado mag-usap ung lola ko saka ung kapatid ko. Akala ko umaga na, ung pala wala pang alas dose. Kaya ayun, tuluyan na akong nagising. Balak ko sanang buksan ung computer kaso masyadong masakit ung mga binti ko kaya nahiga na lang ako at inabot ung cellphone ko sa ilalim ng unan. Naalala ko si Frank. Syet, hindi ko sya natext. Kaya tinawagan ko.
Basta, ang dami naming pinagusapan. Grabe, narealize ko nga na mahal ko talaga sya. (kahit hindi pa kami kasi ayaw ko pa sya paligawin sa napaka daming rason na umaaligid sa isip ko)

Marami kaming napagusapan kasi higit dalawang oras ata kaming nagbabad sa pag-uusap sa cellphone. Keribels lang kasi hindi pa naman sya inaantok nun. Hindi ko masabi sa kanya kagabi na kinikilig ako sa boses nya. Punyeta, pamatay talaga ung boses nya e, kaya hindi ako makaiwas na mainlove sa mokong na un. (ang ayaw ko lang naman sa kanya ay ung pagiging kuripot nya. putangina)

Basta, kahit na kung ano mang meron sya, at kung ano man sya (sa ngayon) e mamahalin ko pa din sya (sa ngayon)

Tentenenen! Tinamad na naman ako magkwento :|

Advertisements