Exam ko na bukas sa ICT, COMM101, at sa SPEECH2

Wala naman akong problema sa SPEECH2 at sa ICT na yan e. Ang problema lang, ung Communication 101.

BAKIT?

Kasi ganito.. puro theories na lang. PURO THEORIES! Kahit anong basa ko sa kakaprint ko lang na handout e wala talaga akong maabsorb. Gusto kong umiyak kaso baka batukan lang ako ng nanay ko at patigilin na lang ako sa pag-aaral. kahit na ayoko mag-aral ayoko pa rin tumigil

Ang naaalala ko lang sa nabasa ko ay ung relationship trajectories. (un kasi nireport namin) HAHA Hanep, ang slow ko talaga ngayon umabsorb lalo na pag ganung kadaming handout tapos bukas na agad ung exam. OMG.

Kaya eto ako ngayon, nagttype na lang sa keyboard kaysa naman matulog ng maaga kasi 7:30am lang naman ung pasok ko bukas tapos gigising ako ng 6am at baka malate ako sa klase, kaya hindi muna ako matutulog. Ang sarap kaya ng ganito, kaysa ung magbasa ng mga bagay na hindi naman dapat binabasa at tinuturo sa eskwela. Tangama, tatanungin ba yan sa aaplyan kong trabaho?

hal.

“What is stereotyping?”

“Ah sorry po, dinrop ko ho kasi ung subject ko dati na may kinalaman dyan e..”

Ay pucha, hindi naman ata ganyan diba?! Utang na loob, kung puro ganun naman pala e ibaon na lang ako sa lupa ng nanay ko kasi hindi na lang din ako magtatrabaho HAHAHAHAHAHAHA

Ang sigurado naman na kailangan sa trabaho ay ung mga kaya mong gawin.

hal.

“Kaya mo bang sumayaw?”

“Aba, oho! Un lang ba?”

“E ang sumayaw habang naghuhubad?”

“Gawain ko po yan pag may tugtog sa bahay habang nagpapalit ako ng damit..”

“Okay, good. Pasok ka na sa trabaho..may customer na sa labas..bilisan mo!”

Anak ng teteng. Hindi naman mahirap magkatrabaho e. Lintik kasi na diploma yan at nauso pa (pati ung mga theories na yan e. nakoooo). Sana naman kasi walang bastusan, gagawa ng theory tapos paghihirapin ung iba. Unfair naman un! Mabuti nga’t nangamatay na yang mga nagpauso ng mga theories na yan.

Diploma. Salamat sa RECTO UNIVERSITY at mabilis silang magrelease ng mga kinasasabikang diploma ng mga tambay sa kanto. Isang araw lang sila papasok at tentenenen! HELLO DIPLOMA!

Ay grabe. Pero onteng ingat lang syempre! At baka masibak ka agad sa trabaho bilang manager pag nalaman na ung diploma mo pala ay galing RECTO UNIVERSITY, tapos ung relo mo ay courtesy ng RECTOMARINE. HAHAHAHA Benta talaga ung Rectomarine na yan e. Naalala ko pa (ung kaklase ko kasi may ganun e)

O sya, mag-aaral na nga lang ako. No choice e. Balak ko kasing maging PRESIDENTE balang araw ;) Baka hindi matupad e, sayang naman.

 

Ganito talaga pag nag-aaral e. Magulo. MAGULONG MAGULO :|

Advertisements