Mga kataga

*tagalog (plus english) ang gagamitin ko para sa pagkakaroon ng malupet na emosyon sa mga bibitawang kong salita. Love. Sabi ng prof. namin sa Literature class, isa lang daw itong FEELING. Damdamin. Napaka simple naman ng konsepto ng pag-ibig para sa kanya. Para sakin kasi, hindi lang ‘yun. Marami pang iba. Pag-ibig, hindi lang naman puro damdamin. Tangama, kung puro ganoon lang, e bakit parang hindi ko naman maramdaman. Hindi ba’t nasa gawa din naman ang pagpapakita ng pagmamahal? Sa damdamin lang ba ng isang taong masusukat ang terminong paulit ulit nyang binibigkas sa isang tao? Hindi ba’t dapat mo din ipakita? Dahil walang saysay din naman kung puro paramdam lang? Kung ikaw ba, papayag kang puro paramdam lang? Syempre, kailangan may aksyon din. May katapat din dapat na aksyon ang bawat damdamin na iyon. Hindi puro palipad hangin lang. Kung puro ganun din lang naman ay hindi ka din mamahalin ng taong iniibig mo, kaya wag mo na lang subukan kung wala kang tapang.

Ang bata kong umibig. Katorse anyos. Parang ung isang palabas lang sa TV. Pero syempre, hindi ganun ang kinalabasan ng storya ko. DUH.

Ang sarap naman pala talagang umibig. Kahit sabihin nating hindi pa masyadong seryoso dahil nga mga bata pa kami noon, masasabi kong TOTOO at walang halong biro ang lahat ng nangyari. Hindi ko na ikekwento kung paano kaya eto na lang. Hanggang saan ako nadala ng aking pagmamahal?

WALA.

Wala pa akong napuntahan. Wala pa, wala pa namang nakapagpapatunay na meron nga talagang pag-ibig na nageexist sa mundo ko ngayon. Hindi ko nga talaga alam kung ano nga ba ang TUNAY na pag-ibig. Sino ba ang may alam kung ano ang orig? WALA PAAAAA! Diba?!

 

Sige nga. Ano ang pag-ibig? Yun ba ung pakiramdam? Ung kung paano mo maramdaman ung mga kuryente sa palad mo paghinawakan ka nya, as in ung HHWW? Un ba un? Kung paano ka sumigaw at tumalon pag nagtext sya sayo o kung magpost sya sa wall mo? Ganun ba un?! Kung paano nya hawiin ang nakaharang na buhok sa mukha mo, at pagkatapos, hahalikan ka nya sa iyong mga labi? Putangina. Kung ganun ang pag-ibig, edi matagal ko nang natagpuan ang hinahanap ko.. Kung ganun lang kadali ang lahat, wala na sanang umiyak at nasaktan sa walangyang pag-ibig na yan. Wala na sanang pumatay at nagpakamatay dahil sa pag-ibig na yan. Hindi lang naman puro ganun diba?! Wala. Wala pang nakakapagsabi kung ano ba ito, at kung saang dimensyon ka nito madadala.

 

Langit daw? Langit. Hindi ba’t eto ang lugar kung saan napupunta ung mga namatay na? Edi pucha, patay na pala ako. At paulit ulit pang namamatay. At mamamatay pa ulit. Dahil dyan sa pag-ibig na yan, minsan ko nang naranasan ang pagpunta sa langit. Sa langit.. kung saan masarap ang pakiramdam, kung saan napapalibutan ka ng mga ulap, mga malalambot na ulap na maaari mong yakapin kahit kailan mo gusto. Pero syempre, hindi naman lahat napupunta dyan diba? May impyerno din naman. Ay, alam ko na kung sino nakakaramdam nyan.. ung mga taong hindi kayang mahalin ng mga taong minamahal nila..

 

Sa kabilang banda.. kahit ano pa mang kayang idulot nyang pag-ibig na yan, wala akong pakealam. Masarap ang umibig at ang ibigin. At ngayon, syempre, may minamahal akong tao. Hindi ung pamilya, kaibigan, mga bagay bagay, kasi syempre automatic na un. May minamahal akong isang lalake. Hindi naman sa sobra, ung tama lang. Ung may tira pa para sa akin. Mahal ko sya. Period. kahit takot ako sa mga pwedeng mangyari. Alitan, selos, lahat lahat. Ganun daw kasi un. Pagnagmahal ka, ang importante lang, ung taong mahal ko. Tanggap mo kung ano sya, lahat lahat ng meron sya. Yayakapin mo kahit ung mga pangit na bagay sa buhay nya. Bisyo, ugali, toyo sa utak. Ganun talaga e. Pagnagmahal ka, hindi mo iisipin ung mga bagay sa hindi maganda sa kanya. Kaya ngayon, ang pagmamahal ko sa lalake na ‘yun.. hindi ko alam kung hanggang kailan.. kung hanggang saan ba kami madadala ng pag-ibig na ‘to.. basta ang alam ko, hangga’t andun ung pangngangailangan ko sa kanya, ang paghahanap ko sa pagmamahal nya, ang pagnanais kong makasama sya sa bawat araw na meron ang kalendaryo, ganun.. basta. In short, HABANG BUHAY. Habang buhay? Alam kong medyo alanganin ung sinabi ko. Basta, ang alam ko, sya lang ang taong alam kong kaya kong alagaan, kayang intindihin, at kayang batuk-batukan. :)))))

 

Para ngang sa kanta ni Bruno Mars, ung Grenade. Basta, pakinggan nyo na lang :))) Ganun ang pag-ibig. *para kay Bruno Mars ah :))

Hanggang kailan ko kayang ipaglaban ang pag-ibig?

SAGOT: Pag wala ng ipis sa mundo, titigil na ko.

Hanggang saan ako makakarating sa pag-ibig na ‘to?

SAGOT: Hindi ko alam. Pero kayang kaya kong libutin ang mundo (kasama ung taong minamahal ko)

 

 

 

Putek, BEYOND EXISTENCE! Kayo na bahalang mag-isip kung saan yan pwedeng ipasok.

Advertisements