Si Papa. Sya ung tinuturing kong bestfriend nung bata pa ako. At dahil bata pa nga ako hanggang ngayon, sya pa rin ung bestfriend ko. Kahit hindi na ko bata, walang iwanan, bestfriends pa din kami. :> Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin lahat sa kanya.

Kung paano sya magsalita, maglakad, tumawa, mangulit, magalit, lahat lahat. Napaka bait nyang tatay. Wala akong masabi. Kung magagalit man sya sa akin at sa aking mga kapatid, pagsasabihan nya muna kami. Maliban na nga lang kung masama ba talaga ung nagawa. Naaalala ko kung paano nya ako hinalikan sa noo nung birthday ko last May 2007. Ang sarap sa feeling. Sya din ung unang bumati sa akin. Napaka saya ko nun. Ipinagdiwang ko ung kaarawan ko kasama ung boyfriend ko dati. Sayang. Sana pala nagcelebrate na lang ako kasama ng pamilya. E wala e, bipolar nanay ko. May sakit naman na si Papa nun. Sakit sa puso. Heart Enlargement. Sabi ng doktor may punit na daw ung puso nya, may bara pa ung ugat. Basta, hindi ko na lang maalala.

Isang linggo pagkatapos ng birthday ko.. naconfine na sya sa Philippine Heart Center. Aun, sabi ng nanay ko na akala nya hindi na mabubuhay si Papa nung sinugod sa sa ER. Grabe daw ung pagpupumiglas ng tatay ko.. ung parang naghahabol ng hininga. Buti na lang at nabuhay pa sya.. Grabe. Hindi ko kinaya yung pumunta na kami sa hospital, kami ng mga kapatid ko para tignan ung kalagayan nya. Tangina. Hindi ko napigilang umiyak. Iyak nga ba? Mali. Hagulgol. Hindi ko kinayang makita syang nakahiga sa ICU habang ang daming nakatusok sa kanyang karayom tapos ang dami pang nakasabit ng mga kung anu-anong bag sa taas. Tangina. Hindi ko kinaya.. Wala akong ibang magawa kundi umiyak habang nakatingin sa tatay ko.. Mali. Hindi dapat ganito.. Ang sakit pala ng ganun. Pero kahit masakit, kinaya ko.

Ako ung nagbantay sa ospital nung mga sumunod pang mga araw. Kinausap ung tatay ko. Sana nga lang sumasagot sya, e kaso may tubo sa bibig nya saka pinatulog sya kasi sabi ni Mama na binubunot nya daw lahat ng karayom. Kaya ayon.. Isang araw nakita kong may tumulong tubig sa gilid ng mata nya.. sabi ng nurse umiiyak daw tatay ko.. kaya pinunasan nya. Sana ako na lang nagpunas nun para naman napagsilbihan ko pa tatay ko. May 14, 2007. Kakauwi pa lang namin sa bahay at matutulog na.. pero biglang tumawag si Mama at pinapabalik kami. Ang baba na daw ng dugo ni Papa.. Pinaharurot ni Tito ung sasakyan papuntang ospital. Kasama na namin si Lola ngayon (nanay ni Papa) kasi hindi namin sya sinasama kasi baka hindi nya kayanin ung kalagayan ni Papa.

Alam ko mga 4am yun or 5am, bale May 15 na.. pagkabulong ni Mama na pwede na syang bumitaw.. saka naging linya ung sa monitor. Wala na. Wala na ung bestfriend ko. Tangina, hindi ko napigilang umiyak. Wala na.. Hagulgol na lang ang nagawa ko. Pati sa libing nya, hindi ko kinaya.. Hanggang sa mga araw na sumunod.. hanggang sa ngayon, sa tuwing naiisip at naikkwento ko sya.. hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit. Napaka sakit.. Talo ko pa ung irigasyon sa probinsya. Ang hirap lang talaga makalimutan ang taong katulad nya.. katulad ng tatay ko. Hindi ko maaaring makalimutan lahat ng tawanan at kulitan namin. Hindi ko pwedeng maiwaglit yun sa aking puso’t isipan. Hindi ko itatapon ang mga alalaang yun na bumubuo sa pagkatao ko ngayon. Papa, kung nasaan ka man.

 

Mahal na mahal kita. Hindi ko nasabi sayo ‘to dati kaya patawad kung masyado akong mahiyain. Mahal na mahal kita :’) MAHAL NA MAHAL PO KITA!

Advertisements