Ako si Gela. 17 years old na ako. At ito ang pangako ko.. at hindi ko alam kung para saan at para kanino to.

Ang alam ko simula pa nung last last week e.. nung hindi na nya ako tinetext, kasi nasira nga daw ung selpon nya. *ows?

So ayun, naghanap ng mapaglilibangan. Nagdota (fail). Nagcounter strike (fail). Nag iced coffee dun sa Kubo ni Juan (fail). Nag frappe dun sa may Lerma, sa may Foss (fail). Kumanta sa mga debut na pinuntahan (fail). Tumawa ng malakas sa FX (fail). Utang na loob, dahil dyan sa pagkasira ng selpon na yan. Dahil sa hindi mo pagpansin sa akin. Dahil sa lahat ng emosyon na hindi nailaan sa tamang tao.. Dahil sa fuschiang pag-ibig na yan! At dahil sa’yo mahal ko.. ng dahil sa’yo.. hindi ko matapos ang ICT project na ilang linggo ko ng tinititigan at hindi masimulan dahil imbis na html codes at kung ano ano pa tungkol sa ICT ang dapat maisip, ikaw palagi ang naiisip ko. Kung paano ka ngumiti, kung paano ka tumawa, kung paano mo ko asarin, at kung paano mo ako pinaasa nung gabing nasa Chillads tayo.

*nasa Chillads

Friendlalu ko: Kayo na ba?

Ako at ikaw: *speechless

Ikaw: Hindi pa

Friendlalu ko: Nanliligaw ka ba?

Ikaw: *iling

Friendlalu ko: E pano magiging kayo nyan?

Ikaw: Pwede namang manligaw bukas ah? :)

Friendlalu ko: Nakooo. E ikaw ba Gela, sasagutin mo ba sya?

Ako: *napakalaking ngiti lang ang naipakita ko

Syempre diba.. super excited ako mag next day. E putangina. WALA! Siguro nga dahil sa maraming bukas kaya hindi ka pa din nanliligaw.

Araw araw kitang iniisip. Nakakapagod na nga e. Iniisip ko na lang na magsasawa din ako sa mukha mo. Kaya isang araw tinignan ko lahat ng picture mo dito sa FB. Tangina.

TANGINA.

Un lang nasabi ko. Pero pagka log-out ko, talo pa rin ang mga nakit ng mga mata ko.

Panalo pa rin ang puso e. Kaya ayun.. excited pa din ako sa mga susunod pa na bukas.

Kaya araw araw kitang pinopoke back. Dahil nga namimiss ko na ung aktual na kulitan natin. Ilang araw na kitang hindi nakikita ng harap harapan. Buwan na nga ata e..

Masaya naman ako ng ganito, sana nga lang hanggang 2010 lang to. Nakakahaggard kaya.

SORRY.

Yan ung sinabi mo nung sinabi ko na sayang, minahal pa naman kita.

ULOL!

Ganun lang ba kadali un? Umamin na ko. Lahat lahat na! Mahal na nga kita diba? Hindi ako nagbibiro :|

Kung nagbibiro man ako, sana hindi lang ikaw ung lalake ko ngayon. Seryoso ako sayo..

Ayun nga ung panalo e, minsan na lang magseryoso, nanenok pa ng katorpehan na yan. Ukininam. :|

Kaya eto ang mga pangako ko..

Pagkatapos ng taon na ito, pagbubutihin ko na ang aking pag-aaral, dahil alam ko na kung gaano kahirap hagilapin ang pag-ibig. At kung pagtutuunan ko lang ay ang pag-ibig, paano na ang magiging kinabukasan ng magiging anak ko na magiging bunga ng pag-ibig na nais kong angkinin ngayon? Napaka komplekado ng buhay para unahin ang pagboboyfriend. *pero inaamin ko na nais ko na magboyfriend para may ka-date araw araw. para may kasabay umuwi araw araw.

Baka sakaling pagnakatapos na ako ng pag-aaral, makahanap ako ng isang lalakeng babagay sa propesyon ko sa hinaharap. Kahit hindi gwapo, kahit cute okay lang :)) *FUCK

Kahit hindi talaga gwapo, basta matangkad.

:))))))

ANG LANDI!

Pangako ko din na pagnakaipon ako ng madaming pera, hindi ko ito gagamitin ng pansarili lamang. Papakainin ko ang mga batang nakatira sa mga lansangan upang pag umasenso din sila sa buhay, tutulong din sila sa mga katulad nila.

Pangako ko na bago ako mag 18, sexy na ko. Super sexy na talaga. Para tumulo ung mga laway nyong mga nagpaiyak sa akin. JUICE MOTHER!

Ayoko nang mangako pa ng madami, baka ipa-ako ko lang sa iba at baka ipasa din nila sa mga taong akala nila ay maitutupad ito.

Paalam.

*eto ay galing sa notes ko sa facebook. e walang ginagawa dun. kaya eto, sana ay okay na sya dito sa blog ko :)

Advertisements