Pakinggan nyo yan habang binabasa, kasi yan ung pinapakinggan ko ng paulit ulit habang nagtatayp hahahaha!!

 

 

 

 

Sa wakas, nagising din sa mahimbing kong pagkakatulog. Diretso agad sa lababo at nagmumog. Amoy ko ang bango ng bagong pritong tuyo.

Pukangama. Kumalam agad ang sikmura ko. Walang kain

kain kagabi dahil bumagsak na lang ako agad sa kama at hindi na nakapagpalit ng uniporme.

Diretso ako sa lamesa at nilantakan ang napaka bangong tuyo, itlog na may

kamatis, at ung sinangag ni ina na may halong itlog at corned beef. Nagtimpla pa ako ng tsokolate pero uminom din ng iced tea na malamig. Mali ata pero ayos lang. Hindi naman sumakit ung tiyan ko. Ayos! Naka jogging pants pa ako at tshirt ng school. Palit agad ako dahil alam kong magagalit si ina haha. Naghilamos saka humiga ulit. Baliktad nga e, dapat pala kanina pa ako

naghilamos HAHAHAHA

Nagmuni muni muna ako. Nag-isip na naman ng mga bagay na nakakatakot. Bwisit. Naisip ko na naman ung mga aswang at mga mumu. Buti na lang at wala akong third eye. SALAMAT BRO!

Tumayo ulit ako sa pagkakahiga, nagbanyo dahil punong puno na ung pantog ko. (HAHAHAHAHA MAY PANTOG BA AKO? Alam ko kasi pang lalake lang un. HAHAHAHA Bahala na nga)

Pumunta ako sa kwarto ni mommy (un tawag ko sa lola ko) at nakita ko dun si bunso. Nakahiga.

Ako: Mommy, bakit nakahiga pa din si Miggy?

Mommy: E masama daw pakiramdam, nagsuka daw kanina e.

Ako: Aw, ayan kasi, ang taba mo na masyado

Mommy: Nakakatakot kasi baka magsuka pag nasa school na. Kaya hindi na lang pinapasok.

Aun. Nagising din si utol. Nilambing lambing ko na lang saka inasar asar. Ang kyut nya masyado pag nakahiga kasi ung mukha nya hindi ko maintindihan. haha

Kinuha nya selpon tapos naglaro. Hindi ko na lang inaway kasi nga baka mas sumama ung pakiramdam. Sabi naman ni tita na baka nalamigan lang. Kaya aun, niyakap yakap ko tapos minasahe ung likod. HAHA Pucha, sinewerte masyado ton bata na to. Ung kasing edad ko nga sya dati e walang special treatment pag may sakit galing sa mga kapatid (ang hirap maging panganay) pero hindi ko naman ikinalulungkot o inirereklamo un.

Maya maya pa ay lumipat na ko sa kwarto, at binuksan ang kompyuter para naman makapag WordPress na. at syempre, makapag Facebook. HAHAHA Tinawag ko si Miggy at pinaglaro muna sa Y8. Malas nga lang nya dahil biglang pumasok si ina. Sinermonan sya. Lagot. Puro blangko ung libro nya sa Math pati kwaderno nya walang sulat. HAHAHA Nagmana ata sa akin dahil nga ayoko din sa subject na un. Pinasasagutan tuloy ni ina sa kanya lahat ng walang sagot sa libro. Sa akin tuloy nagreklamo si utol.

Miggy: Nakakainis! E ang hirap hirap naman kasi ung sa book tapos masungit pa si teacher.

Ako: Okay lang yan, san ka ba nahihirapan? (kahit wala talaga akong gustong itulong hahahahahaha)

Miggy: Lahat. Sa fraction, division. Ang hirap :(

*naiiyak na sya hahahahahaha

Ako: O ako na sasagot para hindi ka na mahirapan. Ano bang page?

Miggy: Buong chapter 3 at 4

Ako: ANOO?!

Miggy: *umiiyak na

Ako: Bahala ka na nga dyan, matulog ka na lang ulit para hindi ka na pilitin ni Mama na gawin yan HAHAHAHA

Miggy: Eeee panu pag gising ko?

Ako: E ewan ko lang. Love ka naman nun e.

Miggy: E hindi na nga nya ko binibilan ng cereals.

Ako: Ewan dami mong drama. Goodnight!

HAHAHAHAHA Walangyang bata yan. Ang daming alam. Pinatulog ko na lang ulit kaysa naman ako mamroblema sa math nya. Pambihira kasing subject yan, bat pa merong ganun? Wala naman 5 3/7 sa totoong buhay diba? 1/2, 1/4, 1kilo, un lang madalas na bilin sa mga asukal at harina. Dami kasing alam HAHAHAHAHAHA

 

 

Advertisements