May pasok na naman. Buti na lang at walang pasok kahapon.

Miyerkules ngayon. Araw kung kelan umaga hanggang gabi ang klase. Salamat na lang talaga at gumana ung alarm ko. 4:00am ko sinet un e.

HAHA Natawa na lang ako dahil 4:40am tumunog. O baka tumunog na at hindi lang ako nagising?

Kaya ako nagpatunog ng alarm kasi alam kong mahihirapan ako pag wala un e. Mga alas dos na kasi ako nakatulog kasi nga takot na takot ako sa mga aninong nakikita ko HAHAHAHA Bwisit kasi na mga kwento yan ng mga supah friends ko e. Ung tungkol sa manananggal-slash-tiktik-slash-aswang. Grabehan talaga pag gumagana na ung imahinasyon ko e. Walang tigil. Pagkamatay kasi ng computer ko at pagkapatay ko ng ilaw, naimagine ko lahat lahat ng nakwento sa akin nung Lunes. Lahat ng nakakatakot. Pero buti na lang at nakatulog ako dahil naisipan kong buksan na lang ang ilaw kasi baka hindi na talaga ako makatulog pag palagi akong may makikita na anino.. Tanaw na tanaw ko pa naman ung mga anino sa labas ng bintana sa kwarto ko. Kahit na ba kasama ko ung kapatid ko sa kwarto, aba, nakakatakot pa din syempre kasi nga tulog na sya. Paano pag may aswang nga talaga? O mga mumu sa labas? At bigla kong makita sa bintana? Mamamatay ako sa sobrang takot HAHAHAHA

Kumain muna ako pagkagising ko. Mumog muna bago kain, syempre. Nagtimpla na naman ako ng paborito kong inuming tsokolate. Sinangag ung niluto ni Ina at ung tuna na may itlog. Pucha, napasarap ung kain ko. Nakailang balik ako e HAHA Ewan ko ba, parang nagutom ako masyado sa kakaisip sa mga nakakatakot kagabi. Todo bawi ako ngayon :D

Maya maya pa ay naligo na ko. Syempre nagmainit ako na tubig, pero kahit anong gawin ko, pagkatapos ng isang buhos na tabo, malamig pa din. Kaya binilisan ko na lang ung pagligo. Buhos buhos buhos. Sabon sabon. Buhos buhos.

BRRRRRRRR, ang ginaw masyado

Naalala ko pala ung kapatid ko, pagkalabas nya ng banyo, nangnginginig talaga sya.

Ako: Miggy, gusto mo videohan kita habang nilalamig?

Miggy: Ayoko, baka ikalat mo sa facebook ung video.

Ako: Hindi hahahaha ang kyut mo naman e, okay lang yan, sa youtube lang

Miggy: eeeee.

Haha tawa talaga ako e, napaka baliw talaga nung bata na un, hindi mauto. Tsk, akala ko hindi talaga ako malalamigan pagkatapos maligo e, nakagaw ko pang magelectric fan HAHA Laking tawa ko talaga sa utak e.

Ifast forward ko na lang ung mga nangyari…..

*tunog ng nagfafast forward

Sabay kami ni Justine umalis ng bahay kasi hindi sya sumabay sa school service. Kaya aun, nilibre ko na naman ng pamasahe, ang hirap kaya maging ate, taga sunstento sa mga kapatid. HAHAHAHA

Habang nagaabang kami ng masasakyan, aba, nakita ko si Tina (ung kaklase kong koreana) kaya nilapitan namin. Buti na lang at sumakay na ng jeep si Justine. Kami na lang ni Tina ung nagusap, grabehan, buti na lang at nasa sarili ako ngayon at nakapagEnglish ng matino kundi patay na, mapapanis ang laway ko.

(TEKA LANG. PATALASTAS MUNA DAHIL GAGAWA MUNA AKO NG AKTIBIDAD SA ICT SUBJECT KO)

Okay tapos na ko!

So aun nga.. ang tagal naming nagabang ng sasakyan. Buti na lang at may tumigil na bus sa harapan mismo namin, hindi agad ako nakasakay agad kasi nahulog ung panyo ko. Bwisit. Buti na lang talaga at walang tumatakbo papuntang bus kundi hindi na ko nakaupo. May nakatabi akong lalake, gwapo. Nahiwalay kasi ako sa kaklase kong taga ibang bansa.

Ayos, gentleman ung tumayo sa tabi ni Tina para paupuin ung isang babaeng nakatayo. Taga UST ung lalake. Iba talaga ung mga taga UST, mababait. (HAHAHAHA Stereotyping)

Aun, umandar na ung bus. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nangnginginig ung bus at umiigit. Naiisip ko na namang ung love life ko. Napaka boring sa paraan na hindi naman kasi ako masaya sa buhay pag-ibig ko. Langhiya, nakit kasi puro pag-ibig na lang ung problema ko? Parang isang sakit na dumadaloy sa dugo ko, at dahan dahang sumisira sa pag-iisip ko. Pag-ibig. Puro ganun tumatakbo sa isip ko. Baka ung true love ko katabi ko na ngayon. Baka sya na ung hinahanap ko. Baka dahil sa may tech deck sya na nakasabit sa bag at madami un, baka kami na nga kasi hindi ako marunong, baka sakaling turuan nya ako. Iniisip ko din baka ung lalakeng taga UST na nakatayo. Baka, baka lang.

Gusto kong sumigaw,

BABABAKABA? BABABANAKO! BABABANABABAGOMAGKANTO?

*HAHAHAHAHAHA

Baka kasi may foreigner na nasa bus maliban kay kaklase. Baka maisip ako na alien at barilin ako sa ulo. Salamat pagnangyari un, kasi wasak na utak ko nun panigurado, wala ng paghihirap.

Ayoko na lang talaga mag-isip tungkol sa pag-ibig. Lumalamig na ang panahon sabi sa balita sa telebisyon na nakasabit sa taas ng drayber. Pero sa tingin ko mas malamig ngayon ang puso ko at isip. At lahat lahat ng parte ng katawan ko, nanigas na ung dugo ko dahil grabe na ang magkawala ng silbi ng aking mga mararamdaman dahil wala naman akong mapaglaanan nito. WALA. WALAAAA!

Pahingi naman ng mamahalin oh?

Advertisements