PAKI PINDOT AND “PLAY BUTTON” BAGO BASAHIN :)

 

 

 

————————

Isa. Andyan pa din

Dalawa. Andyan pa din

Tatlo. Andyan pa din

Apat. Andyan pa din

Pukangama, hanggang ngayong 2011, kayo pa din?!

At dun ka pa nag New Year sa kanila. Brad, ang sakit ah. Kaya pala hindi mo na naisipang bumisita sa amin. Hindi mo na ko pinapakilig. Ang sakit na kaya..

Unang tingin ko sa bwisit na gwapong profile mo, ayos, hanggang sa pagscroll ko na lang, nakita ko na naman ung status mo.

ENGAGED TO BABAENG MUKHANG PANIKI

*OMFG?!

Ano ba to? Ako dapat girlfriend mo :| AKO DAPAT! Hindi dun sa babaeng yun. Mahal kita kahit ngayon (pero hindi na tulad ng sa noon). Bawat tingin ko sa mga litrato nyong magkasama, dampi ng mga burog nyang labi sa pisngi mo, hawak mo ung magaspang nyang mga kamay, ang malupet na akbay mo sa kanya, bawat yakap.. lahat lahat na! Naiinis ako sa tuwing nakikita ko un sa profile mo sa Facebook. Tangina ng Facebook na yan.

TANGINAAAA! :|

Hindi ko naman magawang burahin ka sa mga friends ko sa Facebook. Baka kasi isang araw, sa pagtingin ko sa profile mo, pwede ka ng maging akin ulit SINGLE ka na ulit. Para naman pwede na tayo. Bakit kasi bumitaw ka kaagad? Hindi ko naman sinabi na hindi na kita mahal. Hindi ko naman sinabi sa iyo na ayoko na.. Hindi ko lang kinaya na may girlfriend ka na pala noon, hindi ko kinaya. Tangama, malay ko ba.. basta ang alam ko, mahal kitang tunay. Wala akong pakealam kung ano mang meron o wala ka. Kung ano mang ginagawa mong kalokohan, bata ba wag mo lang ipapaalam dahil iiyak ako sasapakin kita.

Sana.. sa susunod, hindi ka na bihag ng iba.

Advertisements