Magdamag na akong napagod sa eskwela. Ang PE namin ay Basketball, hindi mo na siguro itatanong kung bat sya nakakapagod.

Takbo dito, takbo dun. Walang tigil tuloy ang puso ko sa kakatalon.

Bago umuwi ng bahay ay naglakwatsa muna kasama ng mga kaibigan. Kumain, tumawa, nagkwentuhan. Normal lang sa amin yan, araw araw, pag kami magkakasama, walang humpay na saya.

Pag dating ko sa bahay, ang akala ko ay tulog ang aking mga kapatid. MALI.

Aba, inunahan ako sa harapan ng computer, at nanunuod ng Annoying Orange. Pinabayaan ko muna at nahiga ako sa aking kama. Nakinuod na din at nakitawa. Mga bata nga naman, walang inatupag kundi ang mga bagay na sa tingin nila ay makakapagpasaya sa kanila hanggang sa hindi na nila alam kung bakit ba sila masaya sa ginagawa nila.

Maya maya pa ay ako na ung humarap sa computer. Ginawa ko muna ang assignment ko sa Journalism class. Sakto naman sa deadline. Alas dose na ako ng umaga natapos.

Eto ako, nakaharap pa rin sa computer. Nag-iisip ng mga bagay bagay na nagpapagulo sa isip ko kamakailan lang.

PAG-IBIG, PERA, PAG-AARAL, PAGKAIN, PAGKAIN, PAG-IBIG.

Sa pag-ibig pa rin nagtatapos ang lahat.

Iniisip ko pa rin ung lalakeng nagpatibok ng puso ko sa panahong hindi ko akalaing handa na pala akong umibig muli mula sa isang matinding pagdurusa noon sa lalakeng minahal ko ngunit mas ninais na magmahal ng iba.

Ayos lang. Dalawa sila ngayon.

Ang isa, mahal ko. Ung isa, hindi ko alam kung kaya ko nga ba talagang mahalin. Kahit kasi isang kilig o kurot sa puso o kuryente sa palad ay wala akong maramdaman pagkausap ko sya at pagnaiisip ko sya.

Hindi ko talaga alam kung tama ba.

Maya maya pa ay natigil din ang pag-aalala ko sa puso ko.

Nagugutom na ako. Ngayon ko lang naramdaman ang masyadong pagkagutom. Tumayo ako, kumuha ng tasa at nagsalin ng mainit na tubig mula sa takore. Binuhos ko ang isang pakete ng tsokolateng pwedeng magpahupa sa sakit at gutom na nararamdaman ko.

Biscuit. Mainam sa mainit na tsokolate. Simple lang pala ang kailangan ng bituka ko ngayon. Sana nga lang ay maisip ko din na simple lang talaga ang kailangan ng puso ko. Kaso hindi talaga maibabaon sa kokote ko na kailangan ko ng patigilin ang isa para hindi na ko maguluhan. Pero wala pa akong napipili sa kanila.

Napaka hirap naman talaga pumili kahit na sabihin mong dadalawa na lang ang pagpipilian. Kahit na mas matimbang ung isa, hindi mo pa rin mabitawan ung isa dahil nga naniniguro ka pa kung sino ba talaga ung karapat dapat sa puso mo at para sa utak mo. Syempre, kung sino ung mamahalin mo at ung palagi mong iisipin.

Sana nga totoo ung sign na natupad kanina. Sana nga kami ang magkatuluyan kahit na marami akong ayaw sa kanya. Kahit na napaka layo nya sa pagiging perpekto. Alam kong hihigit pa sa bulkang Mayon ang nararamdaman ko sa kanya.

 

Pag-ibig. Pagdurusa ang dulot kahit na busog ang katawan at isipan. Hindi mo maiiwasang masaktan kahit na kumpleto ka na bilang isang tao (kung un ang sa tingin mo).

Advertisements