Ngayon ko lang naisip kung bakit ako naghahanap ng pag-ibig. Hindi ko naman pala talaga kailangan ng boyfriend. Hindi ko naman talaga kailangan ikalungkot ang pagkawala nito, o siguro, ang pagiging mapili ko sa taon na ito. Ewan ko ba, nalungkot lang ako para dun sa lalakeng umaasa na maging girlfriend ako. Patas lang siguro. Hindi ako minahal ng minahal ko kamakailan lang, kaya siguro hindi ko makayang mahalin ung taong nandito para sa akin ngayon.

Hindi ko sya mahal. Hindi ko din sya kayang mahalin. HINDI.

Bakit ba ako pumayag na makipagdate sa lalakeng yun? Na makipagusap hanggang sa alas tres ng umaga? Na kiligin sa mga sinasabi nya?

Panakip butas lang sya, dahil naging panakip butas lang din siguro ako ng lalakeng minahal ko noon.

*kwento kasi sa akin ng bestfriend ko na kaibigan ng lalakeng minahal ko dati na meron daw talaga ung minahal na babae. Kaso nga lang hindi nya naipaglaban. Tapos eto, dumating ako. Hindi nya din naipaglaban. (ay, ako pala ung umayaw pero mahal ko pa din sya)

Okay naman si JA (initials ng lalakeng hindi ko naman talaga mahal pero may ligawan effect kami). Mabait, makulit, kaibigan ng kaibigan ko kaya siguro ganoon. May bisyo nga lang, alak at yosi. Feeling ko din na madalas magsinungaling to lalo na sa mga chicks. Sabi nya kasi may nangyari daw sa kanya, nagkasakit daw sya. E parang joke lang kasi ung mga sumunod na araw ay nagswimming kasama ng mga tropa nya. Tama ba naman un? Ewan ko ba, alam ko kung nagsisinungaling o hindi. Nararamdaman ko un. Alam ko din kung mahal talaga ako o hindi. Pero mahal ko talaga si FI (initials ng lalakeng mahal ko pa rin hanggang ngayon).

Tsk. Nakakainis, nakaririndi kung paano umiikot ang maling pag-ibig sa buhay ko.

Ano ba ang maling pag-ibig?

para sa akin.. eto ung kapag may isang taong alam mong magiging mahalaga sa iyo balang araw, pero sa totoo ay hindi naman talaga kasi hindi mo naman talaga sya kayang mahalin kasi nga may mahal ka pang iba. At kapag may mahal kang iba ngunit hindi ka nya mahal. At patuloy mo syang minamahal pero nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga. Pero mahal mo sya. MAHAL. MINAMAHAL.

Tanginang pag-ibig kasi yan e.

Pag-ibig at minamahal ay hindi magkahulugan.

Alam kong magiging malabo kung ieexplain ko kaya magbibigay na lang ako ng example.

* Minamahal kita ay hindi tugma sa iniibig kita. Eto kasi un.

Ibig kong kumain. IBIG.

Hindi naman pepwedeng MAHAL kong kumain diba? Narinig ko lang yan sa isang taong kilala ko *sorry kung hindi kita mababanggit dito kasi nga nakalimutan ko na kung sino ka diba?

Ibig kong tumae. Mahal kong tumae.

Ang sagwa diba? Kasing sagwa ng pag-ibig na hindi tama.

Hindi ko naman talaga kailangan ng nobyo sa ngayon. Naiinggit lang ako sa ideyang pagkakaroon ng nobyo.

Advertisements